Bakit mataas ang kuryente mo ngayong buwan: the Malampaya shutdown explained (well, kinda)

This is my attempt to explain the Malampaya shutdown and its effects sa electricity bill nating lahat, to the best of my ability. Caveat: I am no energy expert / kuryente queen, but I have worked with people in the industry for a time to know its dynamics. This will be in question and answer format para mas madali. Sa blog na lang na to dahil wala akong airtime na sing haba ng bangayan ni Miriam at Enrile to explain as much. To start—

Tengene, ano ba yang Malampaya?

The Malampaya pipeline is a liquefied natural gas (LNG) facility malapit sa Palawan.  LNG is a form of fuel  (duh) na endemic sa Pilipinas (endemic, meaning meron dito sa atin locally at di kailangan i-import). Nagiisa lang na LNG facility yan sa buong Philippine archipelago, wala nang iba. Yung LNG na nakukuha dito, ginagawang fuel sa tatlong power plants sa Luzon: isa sa Ilijan, isa sa Sta. Rita, and the other one sa San Lorenzo.

Kapag nag-shutdown ang Malampaya pipeline, mawawalan ng source ng fuel ang tatlong planta—which also means na:

  1. Kailangan nilang gumamit ng fuel na mas mahal sa LNG para makapag-produce pa rin ng kuryente. For example liquid condensate o kaya diesel.
  2. Or, pwedeng tigil operasyon na lang. Either way, may epekto yan sa presyo ng kuryente.

Ano? Anong epekto? Bat ang mahal?!

Okay, wala nang LNG. Ano pa ibang option? Yung ibang planta, magsasara muna / tigil operasyon (unless kaya nila magpatakbo using tubig diba, eh kung pwede lang why not, we could all use a miracle). Yung iba, like I said, gagamit ng ibang fuel. Ang diesel at liquid condensate, historically, mas mahal sa LNG, kasi yan sila binibili sa oil companies or inaangkat.

Siempre, hindi naman pwedeng i-absorb ng owner ng planta yung cost dahil lugi sila, diba? (eh kung ganon na lang din, di magsara na lang, kanya kanyang hanap na lang tayo ng kuryente o kanya kanyang sibak ng kahoy pang bonfire). So malamang, ang increase ng presyo para makakuha ng alternative fuel, mararamdaman and maipapasa din sa consumer.

Para lang yang pandesal. Pag-nagmahal ang presyo ng raw material, like harina, malamang magtataas din ng presyo ang panaderya. (Well, either that or liliit ang pandesal mo. Two pesos pa rin pero kasing laki na lang ng takip ng deodorant).

Hindi ba pwedeng kumuha sa ibang planta, bukod doon sa tatlo na magsasara / mag-didiesel / liquid condensate?

Pwede naman. Hindi ako sure kung gaano kadaming kuryente ang kino-consume ng buong Luzon, pero the three plants combined account for 40% of the whole fucking island’s energy requirements. Kung makaka-hanap ka ng +40%, eh di go! Seriously, I doubt na meron pa dahil ang surplus natin baka nasa 1,000 megawatts na lang. Kahit siguro meron tayong 1-million na alipin na mags-stationary bike lang 24/7 para mag-produce ng kuryente, hindi pa rin ubra. But I haven’t really done the Math, so go and try. Hehe.

Wala na bang alternative sources talaga?

Meron pa! WESM. It stands for Wholesale Electricity Spot Market. Wag ka munang duguin, I’ll try to explain. Ang WESM parang palengke ng electricity yan. If for example, si Power Producer A ay may sobrang 10 megawatts na hindi nabenta sa mga electric cooperative / electricity distribution utility, ibebenta nya yon sa WESM. Ganon din ang gagawin ni Power Producers B, C, D, E, F and so on kung may sobra sila.

Kapag ang distribution utility like Meralco, medyo kakapusin sa supply, bibili sila from WESM. Okay lang naman, pero dahil “palengke” sya (market), ang presyo umaakyat or bumababa din base sa demand. Pag mas konti ang tinda na kuryente, mas mahal. Bottom line, kung medyo tight ang supply ng kuryente sa buong Luzon dahil may magsasarang mga planta, malamang mataas din ang presyo sa WESM.

Bakit kailangan mag-shutdown?

Hello, pati Starbucks na 24/7 nagsasara once a year para mag-imbentaryo at mag Christmas party ang mga empleyado. Malampaya is shutting down for maintenance: mag conduct ng safety check, mag-ayos ng sira-sirang equipment, etc. Kailangan ng maintenance shutdown, kasi pag hindi mo ginawa yon, baka gumuho na lang yung pipeline one day, eh di lalong yari tayong lahat.

This is not the first time that Malampaya would be shutting down. It actually happens every year. The only difference is mas mahaba lang this ngayn, perhaps because marami dapat ayusin.

Bakit ngayon pa, namili ako ng bagong LED lights.

Historically kahit balot ng Christmas lights ang bahay mo, mas mababa pa rin ang konsumo ng kuryente for December (collectively ha) dahil malamig na buwan to. Wala masyadong gumagamit ng aircon. Ang mga tao naka bakasyon, so walang tao sa bahay. Ang mga single, nagmumukmok at nabubuhay na lang sa kadiliman (joke lang). Mas mataas ang demand sa kuryente pag summer months dahil maraming gumagamit ng cooling systems. So anong konek? Go back to the item on WESM. Kung bandang February to April yan, double whammy pa.

Hindi ba pwedeng mag-store ng kuryente para may supply habang effective ang shutdown?

Sa pagkaka-alam ko, hindi. Unless may maka-imbento ng lithium ion batteries na kasing laki ng Mall of Asia.

Is this forever???

Tange, hindi. Kaya nga maintenance shutdown eh, magbubukas ulit.

What should I do?

I suggest wag ka na gumamit ng ilaw kung tingin mo super mahal. Haha.  But I like I said in one of my social networking accounts, the best energy saving tip talaga eh maki charge ng laptop and other gadgets sa opisina or sa coffee shop. Haha!

Questions? I am willing to update this post if any of the two nitwits who read this blog would have something more to ask or would have corrections or other points na pwedeng idagdag. At siempre, kung alam ko ang sagot.

Last, question. Why do you even bother to do this?

I am a public relations account manager and I have serviced a roster of clients from banks, the energy, oil & gas, beverage, real estate, and financial industries. I still look forward to the day when majority of Filipinos would get to know more and understand these businesses better, because they truly are exciting. Baka gawin ko na ring staple ang ganitong posts. Next time probably on real estate naman. I have 50 kabillion study materials on that. Haha!

I hope you like my first Tagalog post. Haha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s